Sunday, June 10, 2012

Feeling of the First Time Winner


I am a fan of a Sunday Tween show at GMA and I just got lucky one time. :)

June 3, 2012 – Sumali ako sa isang raffle thru FB. The raffle I was talking about is a memorabilia contest from a staff ng Tween Hearts. Since matatapos na yung show naggawa sila ng raffle. In short hindi ako nagdalawang isip na sumali, sayang naman kasi pati libre naman ang internet dito sa bahay. The question is: Anong itinayo ng barkada para kina Bambi at Josh ngayon sa Tween Hearts?. Well, bago ko nasagot yung tanong habang palabas tinanong ko na yun sa kapatid ko. So when I saw the question nasagot ko yun. Pero syempre hindi naman kung sino yung may tamang sagot e yun na yung mananalo.

Kinagabihan lumabas kung sino yung winner ng raffle contest nila. Tinignan ko lang yung account nila gamit yung phone ko tapos nakita ko kung sino yung winner, natuwa ako. First time kong manalo sa ganon kasi kelan lang naman ako sumali sa mga ganong giveaway contests. I was so excited simula nung nalaman kong ipapadala dito yung shirt. Ang ganda nga ng epekto nun e, parang good vibes all the way. Parang ayoko ng matulog kasi gusto ko ng makita yung signed shirt (ang O.A. ko lang diba?!).

This is me with the shirt! Hindi ko siya susuotin kasi baka pag ni-labahan mawala yung mga pirma nila.

The Memorabilia Shirt
I also have yung mga signatures ng mga tweens pero parang sobra na pagka pinost ko pa. Parang daig ko pa yung nagkaroon ng FS sa kanila (FS= Fansign). Kasi sa FS may pangalan then pirma nila, eto shirt ng GMA + may mga pirma nila. In this small thing naibabahagi ng mga tao behind the show kung gano kahalaga yung mga supporters ng show nila. Kaya naman siguro nagtagal yung show nila ng halos isa’t kalahating taon.

This sunday natapos na ang tween hearts. Nakakarelate ako kahit hindi nako tween. The story kasi is all about friends not a love story that goes around the kids / tweens. Yung mga problema nila hindi yung mabigat, well mabigat, mahirap interms of friendship pero hindi bayolente yung show. Well that’s it for this simple yet wonderful experience in my life.

***