Friday, April 6, 2012

Is Photography for Me?

04.05.12/Maundy Thursday/Nanay’s 1st Death Anniversary


I am wondering is photography for me? I mean if I had enough money, time and confidence, kakayanon ko bang maging photgrapher? Para kasi sakin isang malaking parte ng buahy yung ma-capture mo yung memories and scenes behind everybody’s life. Parang may babalikbalikan ka kapag tumanda ka na at may maipapakita ka sa mga magiging anak at apo mo pag lumaon. Gusto ko din kasing i-share yung mga spots sa ibang tao, thru blogging. Ang kaso lang, kailangan ko ng slr camera. Hindi naman siguro yun yung sagot diba? But the thing is kakayanin ko bang mangyari yung iniisip ko in the near future?


Sa totoo lang ang gusto kong maging field sa photography eh yung buhay ng tao sa daan, sa kalsada, yung para bang steals lang. Yung di masyadong prepared. I want to tell everyone kasi na not everybody has the chance na mamuhay ng marangya and hindi lahat ng pagkakataon eh masaya yung pamumuhay ng isang tao. Gusto ko din matuto from the people at matututo sa pamumuhay nila.


Speaking of photography, may isang camera dito sa bahay, yung unang digicam namin. Wala lang, natutuwa lang ako sakanya. Gusto ko yun gamiting pang praktis kaso I am afraid to go out and capture pictures kasi baka mamaya isipin ng mga tao ‘feeling’ ako tapos baka mawala pa yung cam. Pero naku kung meron talaga akong DSLR maglilibot talaga ako dito samin at kukuha ko ng mga pictures then iba-blog ko.

No comments:

Post a Comment